♥ ♥ ♥

Nakakamiss talaga yung NOON. Yung simula pa sa lahat. Yung nagpapansinan pa, matataas na convo halos sa isang araw sobra sobra na, yung walang hiyaan, may lokohan pang tawagan. Pero syempre dadating naman talaga lahat sa punto na may mahulog sa isa ninyo o mismo kayong dalawa mahulog sa isa’t-isa at diyan na nabubuhay ang HIYAAN. Ewan, ganyan ba talaga yan noh? Kung may something na halos di na nagpapansinan sa personal, oo nga nag-uusap pero sa text nalang mas madalaw, yung kalokohang tawagan nandyan parin pero yung feeling na parang may kulang (baka lang kasi nasanay noon) Tapos yung mga pinag-uusapan halos wala na pero okay lang may kilig2 parin naman. , Nagkakailangan na kasi nga naghihiyaan na.
Kaya nga minsan masasabi natin na “Ang tao ay sweet lang sa una” Kaya nga minsan nawawala na kasi nahihiya na lalo na at inamin na may gusto talaga na di katulad nuon na pwede lang idaan sa biro.
This things shouldnt be happening…